Inihayag ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Bising, may nakaimbak nang 14,991 family food packs na handang ipamahagi ng ahensya sa Eastern Visayas.
Sa bilang na ito, 11,694 family food packs ang nakahanda na sa Regional Resource Operations Section Warehouse sa Palo, Leyte habang may 100 sa Biliran at 200 sa Southern Leyte.
Ayon pa sa ulat ng DSWD, may naka-preposition na ring 1,400 family food packs sa Eastern Samar at 1,600 sa Northern Samar.
Tiniyak pa ng DSWD na handa itong magpadala ng relief goods sa mga Local Government Unit kapag kinakailangan na sa panahon ng kalamidad.
Facebook Comments