Mariing pinabulaanan ni Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na mabisang paraan ang pagkain ng Itlog upang makontra o di kapitan ng Corona Virus Disease.
Wala aniyang katotohanan ito giit pa ni Dr. Patadon sa naging panayam ng DXMY .
Maaring makatulong para magpalakas ng Immune System ang itlog ngunit hindi ito tugon upang maging COVID FREE ang isang tao.
Bagkus aniya ay kumain ng masustansyang pagkain, katulad ng gulay , prutas, pag-ehersisyo , pagpapanatili ng kalinisan at ugaliin ang social distancing para maiwasan ang karamdaman giit pa ni Dr. Patadon.
Matatandaang naging usap- usapan ang Itlog sa Social Media na di umanoy Pangontra sa COVID 19 matapos mag viral ang di umanoy sanggol na nakapagsalita na Itlog at sinabing sagot at panangga ang itlog sa Virus, meron ding nagviral na usap -usapan na di umanoy isang indibidwal na deboto ng Sto. Niño sa Sequijor ang sinabihan sa kanyang panaginip na kumain ng ITLOG ang publiko bago maghating gabi para makaiwas sa Virus.
Maliban sa ITLOG nauna na ring nagviral sa SOCIAL MEDIA na maaring panangga sa COVID ang pagkain ng Saging.
google pic