Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Veterinary Office (OPVet) na iwasan ang pagkonsumo ng karne ng aso ngayong holiday season dahil sa posibleng panganib nito sa kalusugan at paglabag sa batas.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Arcely Robiniol, bukod sa banta ng sakit na maaaring makuha mula sa karneng aso, malinaw na ipinagbabawal ng Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang pananakit at pagpatay sa mga alagang hayop, kabilang ang mga aso.
Sinumang mahuling lumalabag dito ay maaaring maharap sa legal na kaso. Mariin din niyang kinondena ang iligal na kalakalan ng karneng aso at ang pagpaparami ng aso para lamang maibenta ang kanilang karne.
Hinihikayat niya ang publiko na agad na i-report sa awtoridad ang anumang aktibidad na may kinalaman sa dog meat trading, pati na ang anumang insidente ng pagmamalupit o karahasan sa mga alagang hayop. Ang kampanya laban sa dog meat trading ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng OPVet para sa animal welfare at kalusugan ng publiko.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨