Pagkain ng karneng baboy, ligtas pa rin – DA

Muling nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na ligtas pa ring kumain ng karneng baboy.

Ayon kay Agriculture spokesperson Noel Reyes – hindi nakakahawa sa tao, maging sa iba pang farm animals ang African swine fever (ASF).

Pinayuhan din ni Reyes ang publiko na bumili lamang ng karneng baboy na may tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS).


Hindi rin dapat katayin at lutuin ang namatay na baboy.

Nanawagan din ito sa mga hog raiser na huwag itago ang mga may sakit na baboy.

Facebook Comments