Kinalma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang publiko sa pagkain ng karne ng baboy matapos ang pagkakatuklas ng bagong swine flu sa China na “G4”.
Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni BAI Officer-In-Vharge Director Ronnie Domingo na ligtas ang pagkain ng karneng baboy sa bansa, lalo na’t nananatiling “G4 free” ang Pilipinas.
Sinabi ni domingo na low risk ang bagong binabantayang swine flu sa China.
Bukod sa matagal nang ipinagbabawal ang pag-aangkat ng karneng baboy sa China, sinabi ni Domingo na mahigpit din ang isinasagawa nilang monitoring sa mga pumapasok na imported meat products sa bansa.
Facebook Comments