Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na apektado pa rin ng paralytic shellfish poison o red tide toxin ang ilang karagatan sa bansa.
Ibig sabihin delikado pa rin kainin ang mga shellfish o lamang dagat na galing sa Irong-Irong Bay; Maqueda Bay; Villareal Bay at Coastal Waters sa Daram Island sa Western Samar maging sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte.
Sa Luzon area naman, apektado rin ng paralytic poison ang Matarinao Bay sa Negros Oriental; Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; Coastal Waters ng Milagros at Mandaon sa Masbate.
Ang pagkain ng shellfish na may ganitong uri ng poison ay maaring magdulot ng lagnat, rashes, antok at pamamanhid.
Sa severe cases naman, ang pagkain ng toxic shellfish ay maaring magdulot ng respiratory arrest sa loob ng 24-oras.