Pagkain ng shellfish sa anim na lugar sa bansa, ipinagbawal ng BFAR

Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa anim na lugar sa bansa.

Ayon sa BFAR, ito ay makaraang lumabas sa resulta ng kanilang pagsusuri sa nagdaang water sampling na positibo sa red tide ang mga baybayin at coastal waters ng mga sumusunod na lugar.

• Coastal waters Milagros sa Masbate.
• Coastal waters ng Dauis.
• Baybayin ng Tagbilaran City sa Bohol.
• Baybayin ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
• Litalit Bay San Benito sa Surigao del Norte.
• Lianga Bay sa Surigao del Sur.


Apela ng BFAR sa Local Government Units (LGUs) ng naturang mga lugar, huwag hayaang makarating sa mga pamilihan ang mga shellfish products doon para hindi maapektuhan ang kalusugan ng mga constituents.

Ang mga makakain ng shellfish meat na may lason ng red tide ay maaaring magsuka, mahilo at diarrhea na maaaring ikamatay ng tao.

Gayunpaman, ang makukuhang isda, squid, hipon at alimango mula sa naturang mga baybayin ay maaaring kainin basta’t linising mabuti bago lutuin.

Samantala, siyam na baybayin sa Bataan ang ligtas na sa red tide toxin gaya ng
Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.

Facebook Comments