“PAGkain Para sa Masa”, inilunsad ng PAGCOR

Naglunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng food caravan project para maghatid ng masustansyang pagkain sa mga low-income families sa urban communities.

Ayon kay PAGCOR Chairperson and Chief Executive Officer (CEO) Andrea Domingo, tinatawag itong “PAGkain Para sa Masa”.

Napansin niya na maraming tao ang maagang pumipila sa food distribution outlets para kumuha ng gulay.


Sa harap ng pandemya, nag-ambag ang mga miyembro ng Executive Committee ng PAGCOR, mga volunteer employees at mga kaibigan para bumili ng food items para ipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan.

Layunin ng proyekto na makapamahagi ng food items para sa mga hindi kayang makabili ng basic meals para sa kanilang pamilya.

Ipapamahagi ang mga pagkain sa mga komunidad, na binubuo ng mga sariwang gulay na direktang magmumula sa mga magsasaka.

Sa tulong ng Department of Agriculture (DA), nakabili ang PAGCOR direkta sa mga magsasaka.

Facebook Comments