
Binibigyang pagkilala na rin ang mga pagkaing Pinoy sa ibang bansa.
Ang ‘sarvida’ sa Philadelphia, usa ay itinanghal na ‘the best’ pagdating sa Filipino food.
Base sa 2019 food and drink list ng Philly Magazine, ang sarvida ay best new B-Y-O-B (Bring Your Own Bottle).
Inirekomenda ng Philly Magazine na tikman ang mga nasa menu ng Sarvida, kabilang na ang Chicharron with crumbled kesong puti, pancit, at lechon pork belly.
Hindi rin mawawala ang dessert na halo-halos na inilarawang “5 layers of perfection,
Ang sarvida na binuksan noong 2018, ay bagong Pinoy Restaurant ni Chef Lou Boquila sa Philadelphia matapos ang pagbubukas ng ‘perla’ noong 2016 sa East Passyunk.
Facebook Comments









