Pagkaing pinoy, itatampok sa isang travel festival – DOT

Itatampok ang mga produktong gawang Pinoy tulad ng tsokolate, kape at tsaa sa “KAIN NA!” Food and Travel Festival ng Department of Tourism (DOT) ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang apat na araw na virtual symposium ay ipiprisenta ang mga pinakaprominenteng chocolatiers, coffee entrepreneurs, maging ang mga nasa likod ng Filipino tea brands sa bansa.

“This festival recognizes the spirit of Filipino hospitality in the way we eat,” sabi ni Romulo-Puyat.


Bunsod ng COVID-19 pandemic, karamihan ng tourism activities kabilang ang exhibits at paglulunsad ng mga event ay nagiging virtual presentations at virtual gatherings.

Sinabi ni Puyat na pinalalawak ng DOT ang platform nito para maabot pa ang audience online.

“We have crafted this year’s program to be responsive to the needs of our stakeholders. KAIN NA 2020 endeavors to prepare our stakeholders for the transition to the new normal,” ani Romulo-Puyat.

Sa event, magkakaroon ng “KAIN NA!” Trading post, isang online store kung saan tampok ang lahat ng Filipino food products.

Mag-aalok din ng online learning modules para sa e-commerce trainings para sa food and farm tourism stakeholders at iba pang Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs).

Matagal nang isinusulong ng kalihim ang “support local” campaign para muling buhayin ang naluluging tourism enterprises sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments