Hindi kuntento si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia sa pagkaka-abswelto ng poll body sa isyu ng data privacy breach noong May 2022 elections.
Ayon kay Garcia, obligasyon ng komisyon na protektahan ang datos na ipinagkakatiwala ng publiko sa kanila.
Aniya, hindi sapat na mapawalang-sala lamang sila at sa halip ay mas papa-igtingin nila ang seguridad sa mga datos na binibigay sa kanila ng taung-bayan.
Una nang inihayag ng National Privacy Commission (NPC) na walang pagkakasala ang COMELEC sa nangyaring data breach noong May 2022 elections.
Facebook Comments