Pagkaka-acquit ni Sen. De Lima sa isa sa tatlong drug cases, iginagalang ng DOJ

Nirerespeto ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) na ibasura ang isa sa tatlong illegal drug cases na kinahaharap ni Senator Leila De Lima.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, patuloy silang nagtitiwala sa ‘good judgment’ at ‘impartiality’ ng korte.

Naniniwala si Guevarra na pinag-aralan, bunisisi nang mabuti ng honorable judge ang lahat ng ebidensyang iprinisenta ng prosekusyon bago ito nagpasya.


Sa ngayon, mayroon pang dalawang kinahaharap ng illegal drug cases ang senadora sa Muntinlupa RTC kaya mananatiling nakakulong si De Lima.

Si De Lima ay nakadetine sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.

Facebook Comments