Pagkaka-aresto kay Dennis Sytin, patunay na walang ‘cold case’ sa PNP

Malaking development para sa Philippine National Police (PNP) ang pagkaka-aresto at pagpapa-deport pabalik ng Pilipinas ni Dennis Sytin – ang itinuturong utak sa brutal na pagpaslang sa sarili nitong kapatid na si Dominic Sytin noong 2018.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang tagumpay na ito ng kapulisan ay patunay na walang cold cases sa PNP, kahit high-profile o low-profile ang kaso ay kanila itong tinututukan.

Pinapurihan din ni Marbil ang epektibong kooperasyon ng local at foreign authorities kung saan kanyang tiniyak na mananagot sa batas ang naturang suspek.

Nabatid na nagpalipat-lipat ang suspek sa iba’t ibang mga bansa sa loob ng anim na taon para taguan ang batas.

Kasunod nito, muling tiniyak ng Pambansang Pulisya ang commitment nito na habulin at papanagutin sa batas ang mga kriminal anuman ang kanilang estado sa buhay o kahit gaano man katagal silang magtago sa mga awtoridad.

Facebook Comments