Pagkaka-disqualify ng ilang bar examinees dahil sa paglabag sa honor code, nararapat lamang – Former IBP President Cayosa

Naniniwala si dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa na nararapat lamang ang pagkaka-disqualify ng ilang bar examinees ngayong taon dahil sa paglabag ng honor code.

Sinabi ito ni Cayosa sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa ilang examiness na hindi umamin na positibo sila noon sa COVID-19 at mga insidente ng pagpuslit ng mobile phones sa loob ng examination rooms maging ang paggamit ng social media tuwing lunch break.

Ayon kay Cayosa, dapat manaig pa rin ang honor code dahil dito masusubukan ang integridad ng mga susunod na abogado.


Samantala, sinabi ni UST Bar Exam Ground Commander Police Lieutenant Colonel Robert Domingo sa panayam ng RMN Manila na naging matagumapay ang pagdaraos bar exam sa likod ng mahigpit na health protocols na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments