Pagkaka-kilanlan ng dalawang babae na nasawi sa Brgy. Don Bosco sa lungsod ng Parañaque, tukoy na

Manila, Philippines – Nakilala na ang dalawang babae na nasawi makaraang tambangan sa Brgy. Don Bosco sa lungsod ng ParaƱaque.

Ayon kay Police Chief Insp. Neil Conrad Aguila, nakilala ang isa sa mga biktima na si Unicy Garin The Second, nasa hustong gulang at nakatira sa Park Avenue, Pasay City habang ang isa pang nasawi ay sinasabing nanay ni Garin na tinatayang may edad na limampuā€™t limang taong gulang.

Nabatid kay Aguila na natukoy ang identity ni Garin sa pamamagitan ng kanyang driverā€™s license na natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.


Lulan ang mga biktima ng isang kulay itim na Honda City na may plakang WKO 899 at binabagtas ang kahabaan ng UN Street malapit sa kanto ng Sierra Leone Street sa Brgy. Don Bosco nang paulanan ng bala ng mga nakamotorsiklong salarin bago mabilis na tumakas sa hindi pa mabatid na direksiyon.

Parehong nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-ina na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Labing-anim na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na uri ng armas ang narekober ng mga kagawad ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente.

Inalaam pa ng pulisya kung may mga CCTV sa lugar habang isasailalim din sa digital forensic exam sa PNP Cyber Crime Division ang mga narekober na cell phone upang matukoy ang posibleng motibo sa naturang krimen.

Facebook Comments