
Posibleng makaapekto sa loob ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakasibak kay Police General Nicolas Torre III bilang PNP chief.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ikinagulat niya ang biglang pag-relieve kay Torre sa pwesto at wala siyang nalalaman sa dahilan ng pagkakasipa rito sa pwesto.
Bagama’t kumpyansa si Escudero na hindi makakaapekto sa peace and order ng bansa ang pag-relieve kay Torre, posible naman itong makaaapekto “administratively” dahil hindi 4 star general ang mauupong bagong hepe ng PNP.
Naunang sinabi ni Senator Bato dela Rosa na floating status ngayon sa opisina ng PNP Chief si Torre dahil na-relieve lang naman ito sa pwesto at hindi sa pagiging 4 star general.
Umaasa naman ang Senate President na hindi maaapektuhan ang moral ng kapulisan sa nangyari dahil sa huli ay nagsisilbi sila ayon sa kagustuhan ng Presidente.









