Pagkakaabswelto ni Rappler CEO Maria Ressa sa tax case nito, nirerespeto ni DOJ Secretary Remulla

Iginagalang ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naging pag-abswelto ng Court of Tax Appeals (CTA) kay Rappler CEO at Nobel laureate Maria Ressa.

Ayon kay Remulla, patunay lamang ito na mayroong rule of law sa bansa.

Wala rin naman aniyang magagawa kung talagang ito ang naging hatol ng korte bagama’t inaasahan aniyang maghahain pa ng motion for reconsideration ang panig ng prosekusyon.


Una nang inabsuwelto ng CTA si Ressa sa 4-counts ng tax cases na kinakaharap nito at ng Rappler Holdings Corporation (RHC).

Matatandaang ibinaba ng CTA First Division kahapon ang hatol nito pabor kay Ressa at sa Rappler na nagsasabing “not guilty” ito sa tax cases na umano’y nagkakahalaga ng P141-million.

Facebook Comments