Naantala ang delivery ng AstraZeneca vaccines sa Pilipinas dahil sa ilang isyu sa manufacturing.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang mga in-order ng Pilipinas na AstraZeneca vaccines ay manggagaling sa Thailand, habang ang mga mula sa COVAX Facility ay magmumula sa South Korea.
Aniya, magkaiba ang manufacturing system kaya kumplikado ang arrangement.
Umaasa ang pamahalaan na papayagan ang Pilipinas na huminghi ng AstraZeneca doses mula sa Serum Institute of India.
Nabatid na aabot sa 9.4 million doses ng AstraZeneca ang matatanggap ng Pilipinas mula sa COVAX Facility.
Facebook Comments