Tiniyak ng Vaccines Expert Panel (VEP) na hindi maaapektuhan ang efficacy ng Sinovac COVID-19 vaccine kahit maantala ang pagtuturok ng second dose.
Ayon kay VEP member Dr. Rontgene Solante, dapat ibigay ang dalawang doses sa itinakdang interval period.
Aniya, nasa apat na linggo ang pagitan ng una at pangalawang doses.
Pagsisiguro ni Dr. Solante na hindi apektado ang bisa ng bakuna kahit ma-delay ang pagbibigay ng second dose.
Kailangang hindi lalagpas sa anim na buwan ang delay sa pagitan ng dalawang doses.
Facebook Comments