Para kay Deputy Speaker Bai Sandra Sema ang pagkakaaproba ng BBL sa komite level ay maituturing aniyang blessings lalo pat pumasok na ang buwan ng Ramadhan. Isinalang kamakawa sa botohan ng House Committee on Muslim Affairs, Committee on Local Govenment at Special Committee on Peace Reconciliation, and Unity ang House Bill 6475. Tatlumput dalawang mga miembro ng Local Government committee ang pumabor sa committee report habang 3 naman ang tumutol, 27 sa mga miembro ng Muslim Affairs ang pumabor at 3 ang tumutol , 27 sa Special committee on Peace, Reconciliation and Unity ang pumabor habang 3 ang hindi.
Dagdag pa ni Cong. Sema sisikapin nila sa tulong ng kanilang kasamahang mambabatas na maipasa ang BBL sa lalong madaling panahon lalo pa at merong ibinigay na timeline si Pangulong Duterte bago matapos ang kasalukuyang buwan.(Amer Sinsuat)
Pagkakaaproba ng BBL sa komite level sa kamara blessings ayon kay Rep Sema
Facebook Comments