Pagkakaaresto kay Alice Guo, dapat magsilbing babala sa mga tumatakas sa batas ayon kay PBBM

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tagapagpatupad ng batas at ang Indonesian government sa pagkakaaresto ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Giit ni Pangulong Marcos, dapat magsilbing babala ang pagkakasakote ng dating alkalde sa mga tumatakas sa batas.

Tiniyak naman ng Pangulo na bibigyan ng karampatang legal na proteksyon si Guo sa ilalim ng batas ng Pilipinas at alinsunod sa commitment ng bansa sa rule of law.


Ayon pa sa Pangulo, hindi na nila patatagalin pa ang pagresolba sa kaso dahil ang magiging resulta nito ay magsisilbing tagumpay rin ng mga Pilipino.

Facebook Comments