Pagkakaaresto kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, pinuri ni Pangulong Marcos

Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang matagumpay na pagkakaaresto kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves sa Timor-Leste.

Matatandaang bandang alas-4:00 ng hapon kahapon nang maaresto si Teves habang naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar sa Timor Leste.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maibalik si Teves sa bansa upang maharap nito ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.


Siniguro din ng pangulo sa publiko mas mananaig ang hustisya kaugnay sa kasong ito.

Nagpapasalamat din ang pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan at mga international partners ng bansa na nagtulungang maisagawa ang operasyong ito para maitaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Facebook Comments