Pagkakaaresto kay NDFP Renante Gamara, inalmahan

Photo by the Public Interest Law Center

Umalma ang grupong Karapatan kasunod ng pag-kakaaresto kay National Democratic Front of the Philippine (NDFP) peace consultant Renante Gamara.

Ayon kay Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor, isa itong uri ng pag-uusig.

Aniya, nagpadala na sila ng tulong para harapin ang gawa-gawang kaso laban kina Gamara at sa kasama nitong si Arturo Balagat.


Kasabay nito, umapela si Clamor sa mga awtoridad na palayain na ang higit 500 political prisoner sa bansa kabilang ang walong NDFP peace consultant.

Facebook Comments