Malaking dagok sa hanay ng New Peoples Army ang pagkakaaresto sa kanilang isang Lider na si Jaime Padilla sa isang ospital sa Lungsod ng San Juan.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen. Edgard Arevalo malaki at mataas na opisyal ng NPA Si Padilla kaya makakaapekto ito sa hanay ng makakaliwang grupo.
Bukod sa malaking dagok sa NPA, nagpapakita rin ito na malaki ang suporta ng publiko para mahuli ang mga komunistang terorista dahil itinuro ng mga sibilyan ang kinaroroonan ng NPA lider kaya ito nadakip.
Sinabi ni Arevalo sa ngayon pinagaaralan pa ng Joint Committee ang pagbibigay ng 4.4 million pesos na pabuya sa informant na nakapagbigay ng impormasyon para maaresto si Padilla.
Samantala sa huling datos ng AFP mula January hanggang November 20, 2019 aabot na sa 8,707 ang na neutralize na miyembro ng komunistang teroristang grupo.
Sa bilang na ito 8,336 ang sumuko, 121 ay namatay sa mga military operation at 250 ay naaresto.
1,537 na mga baril naman ang nakumpiska sa mga ito, 782 ay mga high powered firearms at 755 ay mga low powered firearms.