Pagkakaaresto sa NBI official na sangkot sa ‘pastillas’ scheme, welcome sa BI 

Ikinalugod ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkaka-aresto sa opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasasangkot sa bribery at extortion. 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pag-aresto sa nasabing suspect ay resulta ng dati nilang hiling na tumulong ang NBI sa pag-iimbestiga sa mga alegasyon ng korapsyon sa kanilang hanay. 

Pagtitiyak ni Morente na patuloy nilang isusulong ang kampanya laban sa mga BI personnel na sangkot sa tiwaling aktibidad sa tulong ng NBI at iba pang law enforcement agencies alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang kawanihan mula sa korapsyon. 


Dagdag pa ni Morente, nakikipagtulungan sila sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, maging sa Department of Justice (DOJ) para sa mabilis na pagsisiyasat sa pastillas scheme. 

Sa ilalim ng “pastillas,” nakakatanggap ng pailalim na bayad ang mga immigration officers mula sa mga travel agencies para papasukin ang mga undocumented Chinese tourist sa bansa. 

Bago ito, inirekomenda ng NBI ang suspensyon at i-prosecute ang 19 na immigration personnel. 

Facebook Comments