Pagkakaaresto sa pamangkin ni De Lima, itinuturing na welcome dev’t ng kampo ng senadora

Manila, Philippines – Welcome development sa kampo ni Senator Leila De Lima ang pagka-aresto sa umano’y kanyang pamangkin at bagman sa kasong droga na kanyang kinakaharap.

Ayon kay Atty. Filibon Tacordon, abogado ni De Lima, malaki ang magiging epekto ng testimonya ng nahuling si Jose Adrian Dera sa kaso ng senadora.

Aniya, si Dera mismo ang magde-deny na ginamit siya ng senadora para makalikom ng pera mula sa mga high-profile inmates sa New Bilibid Prison.


Matatandaan na sinabi ng umano’y drug lord na si Peter Co na dalawang beses itong nagbigay ng P5 milyon kay Dera para sa kandidatura ni De Lima bilang senador.

Itinanggi naman nito na pamangkin at bagman siya ng senadora at iginiit na isa siyang police asset.

Facebook Comments