Pagkakabilang sa Palarong Pambansa ng sport na weightlifting, posible na – DepEd

Posibleng maisama na sa Palarong Pambansa ang sport na weightlifting ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Undersecretary Revsee Escobedo, nakipag-usap na ang DepEd sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) upang maisama ang sport na nagbigay ng unang Olympic gold medal ng bansa sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz.

Una na ring nagbigay ng proposal ang SWP na isama ang weightlifting bilang demonstration sport noong 2020 Palarong Pambansa ngunit naantala dahil sa pandemya.


Muli namang umapela si SWP president Monico Puentevella kay Education Secretary Leonor Briones na maisama ang weightlifting sa Palarong Pambansa.

Giit kasi ni Puentevella, maraming batang nakikitaan ng potensyal ngayon sa sports.

Sa ngayon, isinusulong na rin ng SWP ang pagsama sa weightlifting sa susunod na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) upang mas maraming batang atleta ang mabigyan ng pagkakataon sa sports.

Facebook Comments