Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Sangguniang Panlungsod sa Draft Ordinance No. 0-05-2026 o ang “Dagupan City Updated CCTV Ordinance for Business Permit Renewal and Peace and Order,” na layong higit pang palakasin ang seguridad at maiwasan ang krimen sa lungsod.
Saklaw ng ordinansa ang mga bangko, pawnshop, remittance centers, mall, palengke, gasolinahan, 24-oras na convenience store, bar at nightclub, hotel at lodging houses, gayundin ang mga paaralan, ospital, at botika na bukas sa gabi.
Ayon sa patakaran, kinakailangang ma-inspeksyon ng Public Order and Safety Office (POSO) ang CCTV system ng isang establisimyento at makakuha ng CCTV clearance bago ito payagang makapag-renew ng business permit.
May nakalaang parusa para sa mga lalabag sa ordinansa. Sa unang paglabag, magbibigay muna ng babala at palugit na hanggang 30 araw upang makasunod.
Kung hindi pa rin tutupad, maaaring patawan ng multa at suspendihin ang business permit. Sa mga paulit-ulit na paglabag, posible namang hindi na i-renew ang permit at tuluyang ipasara ang negosyo.
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng ordinansa, bubuo rin ang lungsod ng isang CCTV Task Force, katuwang ang pulisya, upang matiyak ang mahigpit at maayos na implementasyon ng nasabing patakaran.










