PAGKAKABIT NG CCTV, REQUIRED NA SA MGA BARANGAY AT ESTABLISYIMENTO SA ALCALA

Mas pinaiigting ang seguridad sa mga barangay at commercial establishments sa bayan ng Alcala matapos pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan noong Enero ang Municipal Ordinance No. 2025-04 ng bayan.

Ayon sa ordinansa, sakop nito ang barangay at commercial establishments sa bayan na kailangan mag-install ng Closed-Circuit Television (CCTV) systems bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad.

Inaasahang mababantayan at madaragdagan ang seguridad ng mga establisyemento at negosyante sa pagkakaroon ng CCTV.

Samantala, giit ng lokal na pamahalaan na may kaakibat na mga parusa ang mga lalabag sa ordinansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments