Inumpisahan nang trabahuin ang nakaplanong installation ng traffic lights sa Calasiao-Sta. Barbara Junction kung saan madalas ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay POSO Calasiao Supervisor Jessie Laforteza, malaking ginhawa sakaling matapos ang installation ng traffic lights dito.
Nauna nang inihayag ng ilan pang kawani ng tanggapan na madalas umanong reklamo ay ang hindi pagbibigayan ng daan ng mga motorista, maging ang kawalan ng disiplina ng iba, paglabag sa traffic rules tulad ng illegal parking at counterflow ang nagiging dahilan sa mabagal na daloy ng trapiko.
Panawagan naman ng POSO Calasiao ang pasensya at pag-unawa ng mga motoristang naiipit sa traffic congestion dahilan na rin ang kaliwa’t kanan pang konstruksyon sa kahabaan dito.
Samantala, inaasahang matatapos ang naturang proyekto sa huling linggo ng buwan ng Abril at mapakinabangan ito ng mga motoristang dumadaan sa naturang bahagi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨