Pagkakahati ng unang distrito ng Caloocan sa dalawang legislative districts, hindi pa rin sapat

Inamin ni Caloocan City 1st District Representative Dale Malapitan na hindi pa rin sapat ang paghati sa unang distrito ng Caloocan sa dalawang legislative districts.

Kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11545 na maghahati sa unang distrito ng Caloocan epektibo simula 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila kay Malapitan, sinabi nito na patuloy ang paglaki ng populasyon ng Caloocan kaya darating ang panahon na kailangan pang bumuo ng maraming distrito.


Kung pagbabasehan kasi aniya ang dami ng populasyon, nangunguna ang Caloocan sa buong Pilipinas dahil matatagpuan dito ang pinakamalaking distrito.

Sa ilalim ng Republic Act 11545, ang bagong distrito sa district 1 ay kabibilangan ng barangays 1 hanggang 4; 77 hanggang 85; at 132 hanggang 177.

Habang ang ikatlong distrito ay kabibilangan ng barangays 178 hanggang 188.

Facebook Comments