Pagkakahirang kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang ‘Woman of the Year’ ng isang award-giving body, kinukwestyon!

108

Pumalag si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga nagsasabing hindi nito deserve ang nakuhang award overseas kamakailan.

Lumipad last week si Pia sa Dubai para personal na tanggapin ang pagkakahirang sa kanya bilang Woman of the Year ng “Xpedition Middle East,” isang luxury, fashion, travel at lifestyle magazine na based sa Dubai, United Arab Emirates.

Aminado ang 31-year old beauty queen na nasaktan siya dahil sinabihan siya ng mga kritiko na hindi niya deserve ang award na una nang ipinagkaloob noong 2019 kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.


Say ni Pia, bagama’t hindi niya ugaling pumatol sa bashers, pero hindi niya palalampasin ngayon ang insidente lalo na’t sinabihan siyang wala naman siyang ginawa.

Kasabay nito, inisa-isa ng Filipino-German beauty queen ang mga kontribusyon niya ngayong taon tulad ng kanyang charity events na naging basehan para igawad sa kanya ang nasabing award.

Facebook Comments