PAGKAKAHULI NG 6 NA MATATAAS NA OPISYAL NG NPA SA CAGAYAN VALLEY, MALAKING IMPAK SA MGA NALALABING MIYEMBRO

Cauayan City, Isabela- Isang malaking kawalan para sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa rehiyon dos ang pagkakahuli ng kanilang anim (6) na matataas na opisyal sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Major Jekyll Julian Dulawan, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID, lalo aniyang hihina ang pwersa ng NPA sa rehiyon dahil sa pagkakaaresto nina Gil Peralta o alyas Elmo, ang Secretary ng KR-CV at miyembro ng Central Committee of the Communist Terrorist Group; Irene Agcaoili alyas Ayang, head of Finance ng KR-CV; Lourdes Bulan alyas Simang, Executive Committee member ng KR-CV; Roy Dela Cruz alyas Bonel, Intel Officer*; *Arcaido Tangonan alyas Mariano G Ramos, dating Squad Leader ng nabuwag na Central Front Committee at isang Natividad Santos.

Dinakip kamakailan sa Bulacan at Quezon City ang mga nabanggit na personalidad dahil sa kanilang mga kinakaharap na kaso.


Ayon pa kay Maj. Dulawan, lalo pang hihina ang pwersa ng mga NPA sa Lambak ng Cagayan dahil na rin sa sunod-sunod na pagkakahuli, pagkamatay at pagsuko ng mga matataas na miyembro at regular na kasapi ng New People’s Army.

Ipinaliwanag ni Dulawan na ang KR-CV ay ang pinakamataas na organisasyon ng mga NPA sa rehiyon dos habang ang Regional Sentro De Grabidad o RSDG na pinamumunuan ng napatay na lider na si alyas Yuni ay ang pinaka warrior group naman ng NPA sa rehiyon.

Dito rin aniya mapapatunayan na ang pag-alis sa rehiyon ng anim na opisyal ay nagpapakita lamang na sila ay walang puso at pabaya sa kanilang mga naiwang miyembro sa Isabela at sa mga karatig na probinsya.

Facebook Comments