Pagkakaiba-iba at overpricing ng mga produktong petrolyo sa Northern Luzon, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni Baguio City Rep. Mark Go sa House Committee on Energy ang patuloy na pagkakaiba-iba at sobrang taas na presyo ng mga produktong petrolyo sa Northern Luzon.

Pangunahing inihalimbawa ni Go ang presyuhan sa lalawigan ng La Union at Baguio City.

Ayon kay Go, mula Abril hanggang sa kasalukuyan, ang pagkakaiba sa presyo ng produktong petrolyo sa dalawang probinsya ay nasa ₱7 kada litro para sa gasolina; habang ₱4 kada litro sa diesel.


Sa House Resolution 929 ay binigyang diin ni Go na kailangan itong imbestigahan dahil ang mataas na presyo ng oil products ay direktang nakaka-apekto sa publiko, at nakakapag-pabilis din ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Binanggit ni Go, nangyari na ang kaparehong insidente noong 2007, kung saan nagreklamo ang mga consumers kaya napilitan ang mga kompanya ng langis na mag-rollback.

Facebook Comments