Pagkakaiba ng quarantine levels, ipinaliwanag ng Palasyo

Inisa-isa ng Malacañang ang mga dapat at hindi dapat gawin sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at tatlong lebel ng general community quarantine (GCQ).

Para sa MECQ, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ang al-fresco o outdoor dining ng hanggang 50-percent ng venue capacity habang 10-percent ang pinapayagan para sa indoor dining.

Maaari na ring gawin ang outdoor sports, courts, at venues sa 50-percent habang ang personal care establishments tulad ng barbershops, salons, at nail spas at maaaring magbukas hanggang 30-percent venue capacity.


Nasa 10-percent ang pinapayagang capacity para sa religious activities.

Hindi pwede sa MECQ ang contact sports, indoor sports, tourist attractions at meeting, conferences at exhibition venues.

Para sa Normal GCQ, ang indoor dining, indoor at outdoor sports, personal care establishments, indoor at outdoor tourism, at meeting, conferences, at exhibition venues ay pinapayagan sa 50-percent capacity.

Ang religious activities ay maaaring isagawa hanggang 30-percent capacity.

Para sa GCQ with some restrictions, ang indoor dining at gyms ay pinapayagang mag-operate sa 30-percent venue capacity, at maaaring itaas sa 40-percent kapag mayroong safety seal certification mula sa Department of Trade Industry (DTI).

Para sa GCQ with heightened restrictions, ang indoor dining ay pwede sa 30-percent venue capacity.

Ang religious gatherings ay pinapayagan sa 30-percent capacity pero maaaring itaas ito hanggang 50-percent.

Facebook Comments