Manila, Philippines – Nagbigay naman ng payo ang National Food Authority (NFA) kung paano malalaman ang kaibahan ng mga totoong bigas sa peke.
Ayon kay NFA Assistant for Public Affairs Rebecca Olarte – ang tunay na bigas ay may paumbok na bahagi ang butil at parang may kanal na nakaukit.
Dagdag pa ni Olarte, magkakaiba rin ang hugis ng mga butil at patagilid na patusok ang hugis sa kabilang dulo nito.
Aniya, wala itong kakaibang amoy kapag naluto at wala itong foam substance sa ibabaw ng lutong kanin.
Siniguro ng NFA na walang matibay na ebidensya na kumakalat na at ibinebenta na sa merkado ang mga pekeng bigas.
Pagtitiyak pa ng ahensya na regular ang kanilang pagbabantay sa mga pamilihan at bentahan ng bigas.
Facebook Comments