
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Pista ng Immaculate Conception of Mary.
Ayon sa Pangulo, iniaalay ang espesyal na araw na ito kay Maria, na mula sa simula pa lamang ay napuspos ng biyaya ng Diyos.
Ipinapaalala rin aniya ng pagdiriwang na mahalaga ang ating mga unang hakbang sa anumang layunin o misyon dahil ito ang humuhubog sa magiging resulta.
Nanawagan ang Pangulo sa lahat na humugot ng lakas at inspirasyon kay Maria habang patuloy na isinusulong ang isang bansang matatag at nagpoprotekta sa dignidad ng bawat Pilipino.
Facebook Comments









