
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Muslim sa buong mundo sa pagsisimula ng Banal na Buwan ng Ramadan.
Sa kanyang mensahe, hiniling ng pangulo ang mas matatag na pagkakaisa at muling pag-alab ng malasakit sa isa’t isa sa panahong ito ng panalangin at pagninilay.
Ayon sa pangulo, ang Ramadan ay panahon ng disiplina, pagpapakumbaba at pagbubukas ng sarili sa presensya ni Allah.
Sa bawat sakripisyo at panalangin, mas pinatitibay ang mga pagpapahalaga ng awa, katarungan at paglilingkod.
Hangad din ng pangulo na magsilbing daluyan ng kabutihan, pag-unawa at lakas ang banal na buwang ito, hindi lamang ngayon kundi sa mga susunod pang araw.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na kaisa siya sa panalangin para sa pag-unlad ng komunidad, mga pamilya at mga mahal sa buhay ng ating mga kapatid na Muslim.










