PAGKAKAISA AT PAGSASAMA-SAMA, MENSAHE NI SENATORIAL ASPIRANT CHAVIT SINGSON SA MGA LIDER NG BANSA

Nanawagan si Senatorial Aspirant Chavit Singson sa mga lider ng bansa na muling magkaisa ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Inihayag ito ni Chavit sa kaniyang pagdalo sa bayan ng Calasiao , Pangasinan noong araw ng Sabado.

Aniya, kinakailangan ang pagkakaisa at pagsasama-samang muli dahil matatakot ang mga investors at upang tayo ay hindi mapag-iwanan.

Sinabi rin nito na hindi siya pwedeng makialam sa hidwaan dahil hindi naman ito tumakbo noon.

Kung papalarin umanong manalo susubukan niyang pagkaisahin muli ang dalawang lider ng bansa.

Samantala, inilunsad na kahapon ang vbank na isinusulong nito kung saan layunin na magkaroon ng sariling Bank account ang bawat Pilipino bilang pagpapabilis sa pagbaba ng ayuda sa mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments