Pagkakaisa at serbisyo sa kapwa, mensahe ni PBBM sa Pista ng Nazareno

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) ang mga Pilipino na magkaisa at magmalasakit sa isa’t isa ngayong Pista ng Poong Jesus Nazareno.

Kaisa ang pangulo ng mga Katolikong deboto sa taunang pagdiriwang, na aniya’y sumasalamin sa sakripisyo, tiyaga, at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, nawa’y isabuhay hindi lamang sa prusisyon kundi sa araw-araw ang diwa ng malasakit, serbisyo, at sama-samang pananagutan.

Magsilbing gabay rin sana aniya ang imahe ng Nazareno sa pag-iisip, paggawa, at pagtulong sa kapwa, kahit matapos na ang pista.

Dagdag niya, kung magiging huwaran ang Nazareno, mas pipiliin ng mga Pilipino ang tama kaysa mali, ang paglilingkod kaysa pansariling interes, at ang malasakit kaysa pagkakaiba-iba.

Binanggit din ni Marcos na taun-taon ay maraming kuwento ng sakripisyo sa pamamanata na, tulad ng pagkadapa ni Hesus sa ilalim ng krus, ay paalala ng tibay ng loob ng mga Pilipinong bumabangon sa kabila ng hirap.

Facebook Comments