PAGKAKAISA | Counselling para sa mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine, isusulong

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa Philippine Red Cross para maisulong ang pagkakaroon ng counselling sa mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ito ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo ay upang maialis ang takot sa isipan ng mga bata.

Ayon kay Undersecretary Domingo, kahit pa kasi walang nararamdaman ang mga bata sa pisikal na aspeto, nagdudulot naman aniya ng stress sa murang isipan ng mga ito ang mga usaping kinahaharap ngayon ng Dengvaxia vaccine.


Inirekuminda rin aniya ng mga ospital na isailalim sa counselling ang mga bata.

Kaugnay nito, nagpahayag rin aniya ng suporta ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maging bahagi ng pagsasagawa ng counselling sa mga bata.

Facebook Comments