Pagkakaisa Dapat Isukli Ng Mga Pinoy Sa Karangalang Ibinigay Ni Pacman Sa Bansa

9

MANILA – Hinikayat ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mamamayan na lubusang magkaisa bilang sukli sa karangalang ibinigay muli sa bansa ni saranggani representative manny paquiao.Ito ay makaraag talunin muli ni pacman sa laban kahapon si Timothy Bradley.Ang pagkakaisa itong at matibay na pananalig sa ating kakayahan ayon kay marcos ay ang magiging daan para maging matagumpay tayo laban sa mga pagsubok na kinakaharap ntin ngayon.Diin ni Marcos, muling pinatunayan ni Pacman sa buong mundo ang pagiging matatag ng mga pilipino para lampasan ang hamon ng buhay.Ipinapakita din aniya nito na ang kagalingan nating mga pilipino ay kayang kayang magwagi sa lahat pagkakataon sa oras na ituon nating mabuti ang ating puso at isipan sa lahat ng pagsubok na ating haharapin.

Facebook Comments