PAGKAKAISA | DENR, tumulong na rin para mabilis na maihatid ang mga relief packs

Tumutulong na rin ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa clearing operations ng mga daan para mapabilis ang paghahatid ng relief packs sa mga lugar na apektado ni bagyong Ompong.

Ito ang pagkakataon ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu para magamit ang chainsaws na kinumpiska sa mga illegal loggers.

Dahil dito, napabilis ang clearing operations na isinasagawa ng DPWH ,MMDA at mga LGUs sa Regions 1, 2, 3, 4A at Cordillera Administrative Region (CAR).


Nakatutok ang trabaho ngayon ng DPWH sa Kiangan, Asipolo at Tinoc road sa Ifugao na hirap na maihatid ang mga food packs sa mga evacuees.

Hindi rin nakaligtas ang DENR sa hagupit ni Ompong.

Kinailangang din na i-evacuate ang mga tauhan nito sa Barangay Little Kibungan, La Trinidad, Benguet kasunod ng mga nangyaring pagguho ng lupa.

Sa kabila na apektado rin sila ni Ompong, iniutos ni Cimatu ang pagpapagana sa DENR operations center para makapagsagawa ng quick response sa mga apektadong pamilya.

Ipinagagamit na muna ng ahensya ang mga gusali ng CENRO sub office sa Maconacon, Palanan at sa Casiguran, Aurora sa mga evacuees.

Facebook Comments