Manila, Philippines – Nangako si Moro National Liberation Front (MNLF)
Founding Chairman Nur Misuari na tutulong sila sa gobyerno na labanan ang
ilegal na droga.
Kasabay ng ika-50 anibersaryo ng MNLF na ipinagdiwang sa Davao Crocodile
park nitong linggo, sinabi ni Misuari na kapag may nahuli silang sangkot
dito ay pagbibigtiin nila ito sa publiko.
Nagbabala rin si Misuari na hindi nila hahayaan ang mga ‘foreign
infiltrator’ na pagwatak-watakin at sirain ang imahe ng mga Moro.
Nabatid sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na
karamihan sa mga barangay sa ARMM ay hindi aktibo ang anti-drug abuse
councils dahil karamihan sa mga opisyal na maaring sangkot sa ilegal na
droga.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>