Pagkakaisa ng Bangsamoro hiling ni Presidente Duterte

Muling pinulong ng President Rody Duterte ang mga matatas na opisyales ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Transition Commission. Isinagawa ito sa Malacañang Palace kahapon.

Dumalo sa meeting sina Senate President Koko Pimentel ,House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas.

Present rin ang buong pwersa ng BTC na pinangungunhana ni Chairman Ghadzali Jaafar, mga opisyales ng OPAPP na pinangungunahan ni Sec Jess Dureza at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.


Bagaman di natalakay kung sino ang magiging sponsor ng Bangsamoro Basic Law, kumpyansa si BTC Chairman Jaafar na abot kamay na ang matagal ng pangarap para sa lupang pangako sa panayam ngayong umaga ng RMN DXMY.

Sinasabing nangako ang Presidente na maipapasa na ang BBL sa kahilingang magkaisa ang lahat ng mga Bangsamoro.(DENNIS ARCON)

FILE PIC

Facebook Comments