Pagkakaisa ng mga kandidato sa pangkapangulo sa 2022 national elections laban sa pambato ng administrasyong Duterte, malabo na ayon sa isang senador

Lumiliit na ang tyansang mapag-isa ang mga kandidato sa pagkapangulo para sa 2022 national elections laban sa magiging pambato ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, presidential candidate ng Partido para sa Demokratikong Reporma o Partido Reporma, hindi na magkakaisa sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao.

Nabatid na sa panig ni Lacson, maghahain sila ng running mate niya na si Senator Tito Sotto ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sa October 6.


Posible namang maging senatorial bet ng tambalang Lacson-Sotto ang broadcaster na si Raffy Tulfo at ang dating kalihim ng Department of Agriculture na si Manny Piñol.

Facebook Comments