Pagkakaisa ng mga Pilipino, hiniling ng isang senador ngayong Araw ng Kalayaan

Hiniling ni Senator Lito Lapid ang pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino sa gitna na rin ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Hangad ng senador ang pagkakaisa ng lahat sa kabila ng ating mga pagkakaiba-iba.

Ayon kay Lapid, anuman ang pagkakaiba-iba ng mga Pilipino pagdating sa usaping pulitika at ideolohiya ay manatili sa ating puso ang pagnanais na makita ang Pilipinas kung saan ang bawat pamilya at indibidwal ay may pagkakataong hubugin ang kanilang buhay ng may kapayapaan at sinserong pagasa sa mabuting kinabukasan.


Dapat lamang aniyang ipagbunyi ang araw na ito ng may kabuluhan at kagitingan.

Giit ni Lapid, ito rin ang araw ng pagalala natin sa sakripisyo ng mga taong lumaban at patuloy pa ring lumalaban para sa ating kalayaan bilang isang bansa na malaya mula sa mga pang-aalipin at pang-aapi ng sinumang dayuhan o kalaban ng ating demokrasya.

Facebook Comments