Amerika – Hinikayat ni US President Donald Trump ang Republicans at Democrats na magkaisa para sa ikabubuti ng Amerika.
Sa State of the Union Address ni Trump kanina, nanawagan siya sa dalawang partido na isantabi muna ang pulitika.
Kabilang sa mga tinalakay niya ay ang planong Chain Migration na umani ng pambu-“boo” ng audience.
Iniisa-isa kasi niya ang kanyang four-step plan sa immigration gaya ng Path to Citizenship para sa 1.8 million undocumented immigrants, pagtatapos sa Visa Lottery Program at sa Family-Based Migration.
Binanggit din ni Trump ang pag-modernize sa kanilang Nuclear Arsenal bilang depensa sa bantang nuclear program ng North Korea.
Facebook Comments