Pagkakaisa sa pagtatanggol ng soberenya ng bansa, ipinanawagan ni Sec. Teodoro sa pagdiriwang Rizal Day

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa mamamayan na isabuhay ang pagmamahal sa bayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at manatiling nagkakaisa sa pagtatanggol ng soberenya ng bansa.

Ang panawagan ay ginawa ng kalihim kasabay ng pagdiriwang ng Rizal Day.

Ayon kay Teodoro si Rizal ay isang visionary at patriot na ipinaglaban ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng salita at ideals.


Aniya, ang lakas ng loob at sakripisyo ni Rizal ang naging inspirasyon sa maraming Pilipino na ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Kasunod nito, paalala ng kalihim na tungkulin at responsibilidad ng bawat Pilipino na itaguyod ang soberenya at karapatan ng mamamayan ng bansa kasabay ng paghimok sa bawat isa na isadiwa ang alab ng pagmamahal sa bayan at itaguyod ang dangal at tapang ng Pilipino.

Facebook Comments