Monday, January 19, 2026

PAGKAKAISA | UN SecGen Guterres, may mensahe sa buong mundo

Amerika – Nanawagan ng pagkakaisa si United Nations Secretary General Antonio Guterres sa buong mundo ngayong 2018.

Sa kanyang new year message – nagpapaabot siya ng ‘red alert’ sa mundo para resolbahin ang mga kaguluhan at magsama-sama para sa kapayapaan.

Dagdag pa ni Guterres – dumarami ang bansang nababahala sa posibleng paggamit ng nuclear weapons at nananaig ang takot o galit sa ibang lahi.

Panawagan niya sa mga world leaders na muling itayo ang tiwala ng bawat isa.

Facebook Comments